Two To Tango

Characters:

Kim, 20 years old, maputi, simple ang beauty
Seph, ex ni Kim, 23 years old, matangkad, gwapo
Both are with strong personality. Parang aso’t pusa. Away-bati.

Tagpuan:
Manila going to Baguio. Lahat ng pag-uusap, nasa loob ng sasakyan.

(Hinihintay ni Seph si Kim sa isang parking lot habang humihithit ng sigarilyo. Nakakakalahating kaha na siya, saka dumating si Kim. May dalang malaking bag si Kim para sa outing nilang magbabarkada sa Baguio , halatang ngarag ang kilos sa labis na pagmamadali.)

Seph: Haaay salamat! (Kukunin ang bag kay Kim at ilalagay sa compartment).
Kim: Sorry. Ang daming pinagawa ni Mama before kong umalis, tutal three days naman daw akong mawawala. (Titingin-tingin at kukunot ang noo) Sina Pauline?
Seph: Nauna na. Ang tagal mo daw kasi! (isasarado ang compartment ng kotse. Lalakad papuntang driver’s seat) Buteh nalang natakas ko ‘tong auto sa tito ko, kung hindi, sumabay na ako sa kanila, kawawa ka naman, maiiwan ka. (Papasok sa loob ng sasakyan. Bubuksan ang kabilang pinto.)

Kim: Sorry na. (Papasok rin sa loob ng sasakyan katabi ng driver’s seat) Eh nagtext naman ako sa’yo na male-late ako ng konti!
Seph: Konti pa ba sayo ang isa’t kalahating oras? Tumirik na mata ko kakaantay.
Kim: Nagpa-mekaniko ka sana muna!!
Seph: Nge! Joke ba yun? Kelangan ko ba tumawa?
Kim: Sorry na nga eh..
Seph: Ano pa nga ba magagawa ko? Parang di na ako nasanay!
Kim: So galit ka na nyan?
Seph: Sinabi ko ba?
Kim: Hinde! Pero pinapakita mo!
Seph: Hindi ako galit.
Kim: Talaga?
Seph: Hindi nga.
Kim: Owss?
Seph: Bakit? Gusto mo magalit ako?
Kim: Ayos lang. keber ko.
Seph: E di galit ako!
Kim: Whatever.
(Mahabang Katahimikan. Magiging abala si Seph sa pagmamaneho, habang si Kim naman ay kinakalikot ang cellphone. Titingin tingin si Kim sa gawi ni Seph, nag-iisip ng maaring sabihin nang biglang may maalala)

Kim: Nakita ko nga pala si Riza kanina. (Hindi kikibo si Seph. Aaktong tila walang narinig) Hoi! Sabi ko nakita ko si Riza kanina. (Hindi parin kikibo si Seph. Maiirita si Kim.) Anu ba? Bingi ka ba? Sabi ko nakita ko si Riza!
Seph: Narinig ko! Wag mo akong sigawan! E ano ngayon kung nakita mo?
Kim: Wala lang sinabi ko lang! Bakit ang sunget mo?
Seph: Eh dba nga galit ako?
Kim: Huuu!! Ang sabihin mo, di ka pa rin moved on sa kanya kaya ka nagkakaganyan! At natapakan yang super taas mong pride kaya inis na inis ka kay Riza!
Seph: Hinde noh! Leche lang talaga yung babaeng yun!
Kim: See! Bitter ka parin sa nangyari.
Seph: Why should i? Dun na siya sa bestfriend niya! Ayos na ako sa buhay single.
Kim: E ano ba talagang nangyari sa inyo? Kwento mo nang buo.
Seph: Ayoko nga.
Kim: Ay corny! Sige na.
Seph: Sabing ayoko.
Kim: Puuhhh-leeeeaaaseeeeeee…
Seph: Bahala ka dyan!
Kim: E di wag! (Magdadabog! Pipihitin ang bukasan ng sounds. Maghahanap ng magandang kanta saka ilalagay sa full volume. Sasabayan ang kanta.)
Seph: (Papatayin ang stereo) Anu ka ba? Hindi ka ba naglilinis ng tenga? ang lakas-lakas mo magpatugtog!
Kim: Eh ayaw mo naman kasi magkwento, alangang kausapin ko nalang sarili ko?!
Seph: Bakit ba masyado ka interesado ha?
Kim: Eh bakit ba galit na galit ka sa kanya?
Seph: Hindi ako galit sa kanya. (Boses nagagalit biglang hihina) Inis lang.
Kim: Ganun na din yun. Eh bakit nga?
Seph: Ang kulet mo talaga!
Kim: Grabe naman Seph… Ako, pagdadamutan mo pa ng istorya ng buhay mo? ouch naman yun! (Aarteng malungkot at nasasaktan)
Seph: (Matatawa sa reaction ni Kim) Oo na sige na, ikkwento ko na. Hmm.. panu ba? (Nakatingin lang si Kim kay Seph habang nakikinig) The night before my birthday yun eh. Sinundo ko siya sa office. It should have been a double celebration kasi mag-si-6 months narin kame DAPAT nung bday ko. ayun, while we were eating, yun na! ayun..
Kim: Anong yun na? Ganda mo magkwento ah!
Seph: Yun na.. nakipag-break siya.
Kim: Bakit naman? Nalaman nyang may babae ka? (Kunot ang noong tumingin lang si Seph kay Kim) Fine! Seryoso mode pala dapat. O bakit nga?
Seph: One stupid reason: Mahal nya bestfriend niya. Kasi daw biglang nagtext sa kanya bestfriend niya, siguro natuwa siya, nalito. Sabi nya saken, narealize niya, mahal pala talaga niya bestfriend niya–na kung hindi yung bestfriend niya makakatuluyan niya, mas gugustuhin niyang mag-stay as single na lang.
Kim: Magpapaka-tandang dalaga siya para sa bestfriend niya?
Seph: Malamang.
Kim: Teka, ano ba bestfriend niya—lalaki o babae?
Seph: (Matatawa) Syempre lalaki-ano ka ba? Ginawa mo namang tibo.
Kim: Oh bakit? Pwede naman ah! May iba nga dyang lalaki, pinagpapalit gf’s nila sa bakla. Hindi na iba yun.
Seph: Sabagay…
Kim: Eh teka lang. Reasonable naman pala eh kung bakit siya nakipag-break, bakit nagagalit ka sa kanya?
Seph: Anong reasonable don? Tignan mo ha. Mahal niya bestfriend niya. Ibig sabihin, the feeling was there right from the start. Bago pa naging kame.
Kim: Oh tapos?
Seph: Di mo ba kuha ung logic? Ginago niya lang ako. Hindi niya ako mahal or minahal or whatever the term may be.
Kim: Hindi ganun yun. Malay mo mahal ka talaga niya, ang kaso MAS mahal lang talaga niya bestfriend niya.
Seph: Yun na rin yun eh!
Kim: Atleast naging fair siya. sinabi niya sa’yo yung totoo. Hindi ka niya pinagmukhang tanga.
Seph: Nagmukha na akong tanga, ano ka ba? Makipagbreak ba naman e kinabukasan non, birthday and supposed-to-be monthsary namen! And take note, why should it take 6 months for her to realize that? Ano ako, trial lang?
Kim: Ahh.. yun nga lang. Kaya super ka naglasing nung birthday mo.
Seph: Oo.
Kim: Kaya tinulugan mo ako sa phone non!
Seph: (Tatawa. Sasabay sa pagtawa si Kim) Lasing na lasing ako non. Di ko na namalayan. (Pagkaraan ng ilang saglit, seseryoso ang mood)
Kim: Masyado kang nasaktan?
Seph: Ewan ko. Oo masakit. Napamahal na rin yung tao saken eh. Balak ko na kasing magseryoso sa kanya. Wala eh. Ganun lang talaga.
Kim: Teka, nakailang girlfriends ka na nga ba?
Seph: (Ngingisi) Wag mo nang tanungin.
Kim: Ang dame na kasi!
Seph: ‘Di naman. Yung iba kasi for 1 week lang. 1 day. Ngayon gf ko, kinabukasan hindi na. Yung iba nga nakakalimutan ko nang naging gf ko pala. Pati pangalan ng limot ko na.
Kim: Grabe ka naman!
Seph: Old ways. Pero nung naging girlfriend ko si Riza, magseseryoso na talaga ako dapat, kaso ayun, palpak! (Tatahimik ang dalawa. Nakadungaw lang sa may bintana si Kim habang pilit pinupokus ni Seph ang sarili sa dinaraanan) Ikaw kasi, ayaw mo pa pumayag na makipagbalikan saken kahit 1month lang.
Kim: (magugulat sa sinabi ni Seph) Ay naku Seph! Tantanan mo ako! Ayan ka na naman eh. Napag-usapan na natin yan! Kung magkataon kasi, papaiyakin mo na naman ako.
Seph: Anu ka? ikaw mahilig magpaiyak dyan eh.
Kim: Ha! talaga lang, huh? E sino kaya ang kinakarma saten ngayon?
Tahimik.
Seph: Oo na. Alam ko naman eh, Ako na masama. Pero naging masama karin naman ah!
Kim: Hala ipasa ba? Kelan kaya?
Seph: Nung nagpanggap kang may boyfriend.
Kim: (Kukunot ang noo) Kelan yun?
Seph: Nung kakabreak lang natin.
Kim: Ahhh..yun. Hinde masama yun. Pinoprotektahan ko lang sarili ko sa’yo. Tsaka immature pa ako non! I possessed a brilliant mind, though. Biruin mo, naisip ko yun just to get even with you. HA!
Seph: So gumaganti ka?
Kim: No. Tapos na yun. Alam ko kasing makikipagbalikan ka sa akin that time kaya inunahan na kita! Ano ako stupid? Magpapaloko na naman sa’yo?
Seph: Ang feeling mo naman. Anong makikipagbalikan?
Kim: Maganda na ang FEELING kaysa MANHID! Bakit, hindi ba?? Eh ngayon nga nakikipagbalikan ka eh! (Tatawa ng mahina) Loko-loko ka kasi! Napaka-babaero mo.
Seph: Dati yun noh! Bata pa ako non. Iba na ako ngayon.
Kim: Ako rin naman bata pa non! The point is, nasaktan mo ako non.
Seph: Hinde yun intentional.
Kim: The harm was still done!
Seph: That was five years ago. Nagbago na ako. Bakit ba ayaw mong maniwala?
Kim: Eh why do you keep on saying na nagbago ka na? Prove it. (Walang magsasalita for few seconds)
Seph: Galit ka parin ba saken dahil dun?
Kim: Tingin mo?!
Seph: OO?! (May halong pagtatanong)
Kim: (Tatawa) Ito naman! La na yun! Tagal-tagal na non. Masakit lang talaga yung nangyari.
Seph: Alam ko. Inaamin ko naman, loko-loko talaga ako dateh. Gago. Pero Kim, totoo, minahal kita non. Masakit din saken yung nangyari.
Kim: Ah talaga? Di ko ramdam.
Tahimik. Mapapansing na-offend si Seph sa sinagot ni Kim.
Kim: Oi ito naman. Joke lang. (Walang sagot) Hoi! Kausapin mo ako. (Walang sagot) Hello??! (Hindi parin tutugon si Seph) FINE!
Tahimik.
Kim: Wag na nga natin pag-usapan yun. Hmmm… Musta na nga pala si Gail?
Seph: (Medyo walang gana ang pagsagot) Ano naman meron sa kanya?
Kim: Musta na kayo?
Seph: Kame?! Anong meron sa’men?
Kim: Musta na kayong dalawa?
Seph: Kame? …Siya? …Ayun! Sila pa rin.
Kim: …ni Santi. Mahal mo pa?
Seph: Ewan ko.
Kim: Magbebreak din sila. antayin mo nalang. Or just be happy for them.
Seph: Sana nga sila na magkatuluyan.
Kim: Paano ka?
Seph: Wala na ako pakialam.
Kim: But i do.
Seph: (Mag-iisip. Medyo sisigla ang boses) Salamat. Pero bahala na. They deserve each other, wala na ako magagawa. I had too many chances before kaso pinalampas ko lang. Ikaw na rin nagsabi, kinakarma ako ngayon. So i guess, i have to live with that.
Tahimik.
Kim: Nakakatawa yung nangyari sa’ten no? Ikaw… Ako… Si Gail.
Seph: Weird. Inaway mo pa si Gail. Pinabasa niya saken yung letter mo.
Kim: (Tatawa ng mahina) I knew it. Tinatanong-tanong mo pa sa aken dateh kung anong laman nung letter, nabasa mo rin pala. Hindi mo rin ako masisisi. Nagmukha kasi akong tanga non. Kaibigan ko siya, hinde ko man lang nalaman na nagkakamabutihan na kayo. It came as a surprise, that’s why it fucking hurts! Alam mo yung feeling na oblivious ka sa nangyayari, but the whole world knows? Masakit lang, it greatly concerns me tapos huli ko pa malalaman.
Seph: Di naman kasalanan ni Gail yun.
Kim: I know. Kasalanan ko rin naman. i was too engrossed with the idea of getting even with you–i messed up your life, Gail’s life–even worst, MINE. everything backfired. In the end, ako parin pala ang talo. You have each other, i have no one.
Seph: You hated me that much kaya mo nagawa yun.
Kim: Maybe. Masyado kong sinasanay ang sarili ko sa pagkukunwari. Dinamay ko pa si Gail non. Gusto kitang saktan, yung sakit na naramdaman ko when i found out about Hannah. Kaso iba siguro talaga charisma mo and you gained Gail’s trust. In an instant, nasira lahat ng plano. Sinabi niya about Nico and that me and him was all made-up. Nagalit sina Pauline kay Gail non. Kasi kame ang magkakaibigan, tapos dahil sa’yo muntik nang masira yun. But i just acted nonchalant. Kunyari ayos lang, masaya ako sa inyo, pakialam ko. Pero sa totoo lang ha, what i felt was betrayal. I kept the pain for too long, i have to say it to her through a letter.
Seph: Tanong lang..
Kim: What?
Seph: What made you do that?
Kim: Do what?
Seph: Pretending…
Kim: Pretending? About me and Nico?(Mag-iisip) I guess to save myself. Mahal pa kasi kita noon, but what consumed me was my pride. I can’t afford getting hurt again. But in the end, nasaktan pa rin ako.
Seph: Nagselos ka.
Kim: (kibit balikat)

(Tahimik. Bubuksan ni Kim ang stereo. Nasa normal volume. Maririnig ang kantang “Stupid Love” ng Salbakutah. Magkakatinginan si Seph at Kim at sabay na tatawa. Mapapansing namumula si Kim.)

Kim: Hala. nananadya ata to ah! Ang luma-luma na ng kantang toh, pinapatug-tog pa.
Seph: (natatawa pa rin) Pinapaalala lang kung gaano ka ka-baduy.
Kim: Tse! Eh sa totoo namang bagay yang kanta sa’yo.
Seph: I remember, you put the lyrics on a crampled paper. In-edit mo pa nga ung ibang lyrics.
Kim: (Pulang-pula) OO na! Wag mo na paalala.
Seph: (tumatawa pa rin) Pero, natauhan ako dun ha!
Kim: (pinapakinggan ang kanta. Sasabayan sa chorus, sabay mapapahinto nang may maalala) Oi dba, nung binigay ko sayo ung —wat do you call it— break-up gift?!?–dba nandun ung ring na binigay mo?
Seph: Yup. Binalik mo.
Kim: Nasa’yo pa ba? Gusto ko sana bawiin ulet. Remembrance.
Seph: Ewan ko na eh. Nasa gamet ng lola ko, pero nakatago parin.
Kim: Kunin ko ulet.
Seph: Ayoko nga! Binalik mo na eh.
Kim: Sige na…
Seph: E inayawan mo yun dba? Binalik mo eh.
Kim: Galit lang ako sa’yo non, pero akin na ulet.
Seph: Wala nang bawian. (hehehe..)
Kim: Di WAG!

(Maririnig sa background ang iba pang lumang hiphop song. Medyo naiinis na nilipat ni Kim ang station. Kukuha ng chips si Kim at tuloy-tuloy na kakain, hindi aalukin si Seph. Maglalabas ng sigarilyo si Seph at bubuksan ang bintana.)

Seph: Mind if i smoke?
Kim: Ok lang. Kotse mo naman toh at baga mo naman yang sinisira mo.
Seph: (Hihithit hanggang makalima sakamagsasalita) Musta na nga pala kayo ni Kevin?
Kim: (tatawa ng mahina) What’s with us? Fling lang un. Nothing serious.
Seph: Pero mahal ka ng tao, dba? (Hithit, buga) See, masama ka rin.
Kim: Ayoko na mag-commit ngayon, takot na ako. I made that clear to him already sa una palang. Sabi ko, no feelings involve. Para kung nagkataon, walang magkasakitan. Kaso, talo siya. Minahal niya ako.
Seph: Ayaw mo sa kanya?
Kim: Mabait siya. He’s everything a woman could ask for. Minsan iniisip ko, why don’t I give him the chance. But it would be unfair kasi pilitin ko man turuan puso ko para mahalin siya, that would never happen.
Seph: Bakit naman? Man-hater ka na?
Kim: (Tatawa) Hindi naman! Ewan ko ba. Manhid na ata ako. Ayoko pa talaga ng seryosohan. Pa-flings fling muna. Gaya mo.
Seph: Dati. …Nagpapaasa ka lang.
Kim: Hindi lang ako nagmamadali.
Seph: Pero niloloko mo sila.
Kim: Ikaw ang nagturo sa akin.
Matagal na katahimikan. Nang maubos ni Seph ang isang stick, kumuha ulet siya ng isa.
Seph: Kim, ayaw mo na bang makipagbalikan sa akin?
Kim: Nagpapatawa ka ba?(Titignan si Seph. Makikitangseryoso si Seph) Please, Seph. Para ano pa? Okay na naman tayo as friends dba?
Seph: Everybody keeps on asking me kasi, bakit hindi pa daw tayo magkabalikan? Hindi ko alam ang isasagot. Sabi ko, ayaw na ni Kim. Alam ko rin naman na hindi na mababalik yung dating naramdaman mo sa aken.
Kim: Hindi ganun yun, Seph. Kahit sa akin tinatanong nila yun. “Bagay daw tayo, bakit di tayo ulet?”… Masarap pakinggan but if you look at the bigger picture, iba ang lumalabas. What could be your reason? Because I’m your last resort? Kasi may boyfriend na si Gail. Kasi nakipagbreak sa’yo si Riza? Shit Seph! Ayokong magmukhang laruan na babalikan mo pag wala ka nang mapuntahan.
Seph: Hindi ganun yun!
Kim: It has always been like that Seph! Kahit noon pa! I’m always the rebound!
Seph: Hindi ganun yun!
Kim: Then tell me kung ano!
Seph: (Itatapon ni Seph ang stick at ihihinto ang kotse) MAHAL KITA! Mahal pa rin kita! Hindi nawala. After all these years, ikaw pa rin. I live like hell after nating magbreak. Kaliwa’t kanan, nambababae ako. ‘Yun lang ang alam kong paraan, Kim. Kasi alam ko namang ako ang may kasalanan. Pinarusahan ko ang sarili ko… 3 months after nating magbreak, makikipagbalikan dapat ako. Than i found out about Nico. Then 1 year after, malalaman ko ‘di totoong naging kayo, na palabas lang ang lahat. Gusto kong magalit sa’yo non, gusto kong sabayan yung galit mo. Ang sakit malamang may iba ka na but i kept my distance knowing na masaya ka, … or so i thought na masaya ka. Tapos di pala totoo. Gail told me everything. Pero di ko nagawang magalit sa’yo kasi alam ko namang you want me out of the picture kaya mo ginawa yun. Pero di ko hahayaan yun Kim. Basta nandyan ka. Nakipagkaibigan ako kay Gail, baka sakaling kahit papano magselos ka. Pinakita ko sa’yo na kaya ko, kahit nasasaktan ako na kaibigan lang kita. Pero ikaw pa ang nag-push sa akin kay Gail. Nung naging kami ni Riza, I thought it was time to move on, but she proved me wrong. Everything that has been happening would always lead back to you.
Kim: (Pigil ang luha. Matigas ang mukha) Sarili mo lang ang mahal mo, Seph. Napatunayan ko na yan, maraming beses na. Bakit ngayon mo lang sinasabi? Kasi hindi ka sigurado dati? Kasi marami naman nagkakandarapa sa’yo? Kasi alam mo, andito lang ako lagi? Ka-s…
Seph: Kasi hindi mo ako binigyan ng pagakakataon. I asked it from you too many times, pero lagi mo lang sinusumbat ang mga kasalanang nagawa ko sa’yo dateh. I want to make it up for you but you always push me to other girls.
Kim: But you said to me before, you love Gail.
Seph: OO sinabi ko yun! Pero yun ang akala ko dahil yun ang gusto mong paniwalaan ko. Yun ang sinabi ko dahil yun ang gusto mo marinig.
Kim: Mahal mo si Gail, alam ko! Alam ko.
Seph: Mahal kita.
Kim: Hindi na kita mahal! (Matigas parin ang mukha, nguni’t bumagsak na ang luha.)
Seph: (Tumiim baga) Are you telling me the truth or you’re here again… pretending?
Kim: That’s what I’m really feeling… Matagal ko nang kinalimutan, Seph. Ayoko na isipin. Ayoko na maramdaman.
Seph: Sabihin mo ulit.
Kim: Alin?
Seph: Kung ano talagang nararamdaman mo.
Kim: Nasabi ko na.
Seph: Gusto ko ulit marinig…
Kim: Hindi na kita mahal! Gusto mo ulitin ko pa? HINDI NA KITA MAHAL!
Seph: That’s all it takes. Thank you for being honest… (tumalikod si Seph at pinaandar ang kotse, habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa mata ni Kim. Walang nagsasalita hanggang sa makarating sila sa destinasyon nila.)

Kim: (nang wala na si Seph) …and here I am again…. Pretending…

Lagi siyang ganyan. Lagi nyang dinadaan sa biro ang hinde niya masabi ng harap-harapan. Yun ang problema sa kanya. Yun ang problema naming dalawa.

 

**This was written by me when I was in 1st year college. Year 2005.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s